Huwebes, Hunyo 21, 2012

Tibiao, Antique










- My Hometown

There’s really no place like home. Naniniwala ako sa saying na yan. Tibiao, Antique, Philippines is my hometown. This is where I was born.

Madalang lang ako umuwi ako dito, but then I make sure na naiikot ko ito everytime there’s a chance for me to go here.

Being a city girl, para na akong nasa ibang mundo everytime na makakakita ako ng bundok. And it really feels different when you could see mountains up close as well as clean rivers and sea.

As we walk thru the seashore on bare feet, I can’t help but be amazed of what I am witnessing.
Dito sa bayan kong sinilangan, malalasap mo ang pinakamalinis na hangin, matatanaw ang napakagandang paglubog at pagsikat ng araw sa dalampasigan.
Makakain ang mga sariwang lamang dagat at pati na rin ang mga pinakasariwang gulay na kami pa mismo ang nagharvest.


Hindi ka mauubusan ng mapapasyalan, Four days is not enough para magsawa ka kakalibot sa Tibiao.  From great falls, to wonderful sea shores, relaxing fish spa, and more. I would proudly say na hindi ako nagsisisi at dito ako nagmula.
Hindi man ako dito lumaki, I feel so blessed to have a hometown like this.


Just like any other provinces, 6pm palang madilim at tahimik na ang buong paligid at pagdating ng 4am, maamoy mo na ang mga usok mula sa siga sa mga katabing bahay. Mga kambing na pinapastol at mga kababayan kong naglalako na ng mga sariwang isda. Mga kabababayan na napakamagiliw kausap at mga batang sabik makakita ng mga taong taga Maynila. Kwentuhan mo lang sila at para silang amaze na amaze sa mga kwento mo sa buhay ng isang taga NCR.



Places to visit in Tibiao

1.     Bugtong Bato Falls. Marami ng turista ang nainlove sa talon na ito. Ilang beses na ring na feature sa iba’t ibang tv shows. Sabi ng mga matatanda, pag –akyat mo sa pinakatuktok ng pitong baitang ng falls na ito, ay may makikita ka raw dito na nag-iisang napakalaking bato. Kaya ito tinawag na Bugtong Bato, means nag-iisang bato sa tagalog. Nakilala rin  ang falls na ito dahil sa iba’t ibang adventures na pwedeng gawin. Bukos sa mountain trekking ay meron ding kayaking. Riding on a single boat and the current of the river will serve as the engine.  

2.     Kawa Hot Bath- Due to some rural legends, Antique has become well known of Aswangs and Mangkukulam. At mukhang pinanindigan na ito ng pinsan kong si Flord Nicson Calawag together with his co-partners. Kung gusto mo ng kakaibang jakusi, try this one. Para ka lang namang niluluto sa isang malaking kawa na kasyang kasyang ka. Merong pang couple at meron ding pang single. Meron ding pang group with it’s very affordable price.

3.     Tibiao Fish Spa. This spa originated from the creative idea again of my cousin. Wala lang! Right after his graduation, naisipin niyang mag-alaga ng mga kakaibang uri ng mga isda since fishery major naman siya sa UP Visayas.  Then he noticed these some kind of fishes na parang kumakagat kagat sa balat ng tao. Later on, he did some researches on these fishes and ayun na nga, mga isdang ang ginagawang pagkain ay ang mga dumi, ingrone , at kalyo sa katawan ng tao. Yung dati nilang simpleng bahay, ginawa niyang main branch ng Tibiao Fish Spa. Currently, meron na itong three branches. Antique, Iloilo City and Cebu City. Just like the Bugtong bato falls, marami na ring turista ang dumayo dito at ilang beses na rin itong na feature sa mga tv shows. I feel so proud to be a close relative of the owner of this spa. J

4.     Antique sea shore. Ito ang pinaka paborito kong pasyalan sa amin. Magmula sa bahay ng lola ko o kahit pa ng tita ko, pati na rin ng tito ko, ilang hakbang lang mararating mo na ang dagat. Masarap maglakad sa grayish at pinong  buhangin nito ng nakayapak. Sana lang sa mga susunod pang henerasyon ay mapanatili pa rin ang kalilinisan nito.

5.     Dalanas river. Actually, bawat baranggay sa Antique, maraming magagandang lugar o tanawin na maipagmamalaki. Since ito ang pinakamalapit sa amin, ito ang ilalahad ko. I was 18 when I first went here. Hindi ko napigilan ang sarili ko at naligo talaga ako ditto. The water is so clear and not so deep. So walang problema para sa katulad ko na hindi gaanong marunong lumangoy. Ilog ito sa ilalim ng kongkretong tulay. At sa ilog din na ito, may mga nakagawian ng tradisyon. Una, dito, nag a outing o nag fafamily reunion pag may mga bagong uwing kamag-anak. Naalala ko noon, sila mama pag umuuwi ng Tibiao, madalas silang magpicnic dito. Yeah, you red it right, sila mama. Hindi kasi ako masyadong sumasama sa kanila everytime na umuuwi sila dito. I preferred to stay at home at maging taong bantay.
    Second, pag may namatay sa pamilya, dito pinapaanod ang mga paboritong gamit ng namatay. Until now, I’m still wondering kung saan kaya napupunta lahat ng mga gamit na pinapaanod dito. Anyway, ditto pinaanod ang mga gamit ng lolo ko, (tatay ni Mama) dati after nine days. Ganun siguro talaga ang tradisyon noh, very different yet very unique.  

6.     Nica’s Farm. Ewan ko lang kung papayag na sila tita na padayuhin ang kanilang private property na ito. It‘s a N hectare land na nabili ni Tita ,wayback in 2000. They developed this land at yun na nga it became Nica’s Farm. My cousin’s name, their youngest daughter. I was very amazed when I first went here last 2008.  Sobrang daming tanim at meron ding fishpond ditto kung saan inaalagaan ni Kuya Flord yung mga isda niya na iba ibang breed. Magmula sa  talong, mangga, saging at marami pang iba. Kaya hindi na nakakapagtaka na sa tuwing umuuwi si Mama galing probisnya, ang dami nitong bitbit. Akala mo namalengke,. Sa Tibiao pa namalengke ha! And these are all for free. Bait ng tita ko noh. May mga kasama pang seafoods yun na nasa cooler.


How to get there.

Actually, there are two ways to reach Antique.

Via Airplane. From Manila to Caticlan or Kalibo. Then ride a bus going  to Tibiao.

May mga transient at resort din dito so no worry for those who want an overnight stay. We are just 4 hours away from Boracay and  6 hours from Iloilo City. Worth it ang byahe mo because of all the sceneries that you can see here. Magigiliw rin ang mga tao ditto, as we all know,Visayan people are very hospitable and happy to be with. Akala mo laging may Fiesta at laging may celebrations. Kahit anong klaseng okasyon laging hinahandaan. Kahit simpleng pagbisita mo sa kanilang tahanan, It feels like a party already.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento